Thursday, June 4, 2009

Unang Araw ng Nobenaryo-Ika-4 ng Hunyo 2009

Ngayong araw Huwebes ika-4 ng Hunyo taon 2009, ay pormal ng binuksan at sinimulan ang selebrasyon ng Kapistahan na ating Mahal na Patron, San Antonio De Padua sa pamamagitan ng Nobena at Banal na Misa sa loob ng siyam na araw. Kapansin-pansin na marami ang mga nakilahok at dumalo sa unang araw ng Nobenaryo sa Karangalan ni San Antonio.

Isa ng tradisyon sa ating Parokya ang mag-imbita ng ibat-ibang mga kaparian mula sa mga kalapit na parokya at distrito upang pangunahan ang Banal na Misa sa siyam na araw ng Nobenaryo. Ang unang araw ng nobenaryo ay pinangunahan ni Rev. Fr. Zaldy Urgena, ang Kura Paroko ng Nuestra Senora Dela Paz y Buenviaje Parish sa Brgy. Dela Paz.

Sa kanyang homiliya, ay binigyan diin ni Fr. Zaldy ang tungkol sa 2 mahalagang utos ng Diyos, ang Pagmamahal sa Diyos at sa kapwa. At ayon sa kanya, ang pagsunod sa utos ay may dalawang uri, ang una ay pagsunod dahil sa udyok ng pagmamahal at ang isa ay pagsunod dahil sa tayo ay napipilitan lamang. Ang ating patron, si San Antonio, ayon pa rin sa kanyang paglalahad ay isa mga patunay ng pagsunod ng dahil sa pagmamahal. Nang dahil sa pagmamahal ni San Antonio, nagawa niyang magpakasakit at magpakababa para sa kaluwalhatian ng Poong Maykapal.

Sa kanyang pagtatapos ay kanyang ibinigay ang isang hamon, tanungin natin ang ating mga sarili, "Ano nga ba ang kalooban niya para sa atin? At ano ang gagawin natin ukol dito?

No comments:

Post a Comment